Sapatos ng Marikina kasama sa Guinness Book of World Records
December 27, 2002 | 12:00am
Hindi nasayang ang 75-araw na pagsusumikap ng mga kinatawan ng Marikina City Footwear Colossal team matapos na pormal na itanghal ang lahok nitong higanteng sapatos bilang bagong title holder sa Guinness Book of World Records.
Ito ang buong kagalakang inihayag kahapon ni Marikina City Mayor Maria Lourdes Fernando na higit pang umaasa na sa pamamagitan ng nakamit na karangalan ng kanilang lugar ay higit pang maeengganyo ang mga shoe manufacturers ng lungsod na gumawa ng de-kalidad na uri ng sapatos.
Ang Marikina City ang itinuturing na shoe capital ng bansa at kilala sa paggawa ng sapatos mula pa noong panahon ng Kastila.
Nabatid na ang magandang balita na tinalo ng higanteng sapatos ng Marikina City ay ang ilang taong hawak na rekord ni Zahit Okurlar ng Kenya, Turkey sa ginawa nitong sapatos na sumusukat lamang ng 3.12 metro.
Ayon sa alkalde, ang magandang balita ay ipinarating sa kanya ni Kat Aalam, miyembro ng team ng mga researchers ng Guinness Book of World Records kamakailan na itinuturing ni Fernando na isang malaking tagumpay at magandang Pamaskong regalo na nakamit ng lungsod.
Sinabi pa ng lokal na opisyal na ang "Certificate of Recognition" mula sa Guinness Book of World Records ay nakatakda na nilang matanggap anumang oras at araw mula ngayon na kanilang idi-display sa City Hall.
Ang 5.5 metrong haba, 1.83 metrong taas at 2.25 metrong lapad na higanteng sapatos ng Marikina ay ginawa ng nine-man team ng Colossal Footwear at nagkakahalaga ng P1.2 milyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended