^

Metro

4 biktima ng pamamaril ng pulis

-
Hindi pa man sumasapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon, ilang sibilyan na ang nagiging biktima ng ‘indiscriminate firing’ ng ilang pulis, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Apat na katao kabilang ang tatlong kabataang lalaki ang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala mula sa isang bagitong pulis na nagpaputok ng baril habang nasa impluwensiya ng alak.

Nakilala ang mga sugatan na sina Bryan Rontal, 11; Calvin Teves, 13; Nemo Flores, 12, at Isaiah del Mundo, 25, pawang taga-Kalayaan Avenue, Brgy. Cembo ng lungsod na ito. Ang mga biktima ay kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Samantala, nakapiit naman sa Makati City police ang mga parak na nakilalang sina PO1s Raymund Maghinay, 29, at Richard Bohol, kapwa nakatalaga sa Special Action Force sa Camp Sto. Domingo, Sta Cruz, Laguna.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Ayala Avenue ng nabanggit na barangay.

Nabatid na papauwi na ang dalawang pulis sa inuupahan nilang bahay sa nabanggit na lugar na noon ay kapwa lasing nang madaanan ang mga biktima na nagpapaputok ng rebentador.

Nagtaka ang mga biktima nang bunutin ni Maghinay ang kanyang baril buhat sa likuran at saka itinutok sa ibaba at saka pinaputok.

Nagtalbugan ang bala nito na tumama sa mga biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA AVENUE

BAGONG TAON

BRYAN RONTAL

CALVIN TEVES

CAMP STO

KALAYAAN AVENUE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NABATID

NEMO FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with