Presong walang dalaw, nagpakamatay
December 24, 2002 | 12:00am
Dahil sa matinding pangungulila na hindi makakapiling ang kanyang pamilya sa araw ng Pasko, isang 26-anyos na preso sa Manila City Jail ang nagbigti, kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Manila.
Patay na nang idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang presong si Erick Manalo, ng San Jose del Monte, Bulacan.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, alas-3 ng madaling araw nang matagpuan ng mga kasamahan nito sa selda No. 7 ang bangkay ni Manalo na nakabitin sa loob ng comfort room sa nabanggit na piitan.
Nabatid na bago ang insidente ay napansin na ang pagiging malungkutin ng nasawi at laging binabanggit nito sa kanyang mga kasamahan ang sama ng loob dahil sa hindi siya dinadalaw ng kanyang mga kaanak.
Matapos ang ginawang pagsesemyento ay nagtungo ito sa comfort room at doon na nagkulong.
Hindi naman inakala ng kanyang mga kasamahan na may balak na pala itong magpakamatay.
Gayunman, dahil sa labis na nagtagal ito sa banyo ay napilitan ang kanyang mga kapwa preso na sapilitang gibain ang pinto at doon nga ay bumungad sa kanila ang nakabigti nang si Manalo.
Si Manalo ay napiit sa MCJ mula pa noong Enero 15, 2002 dahil sa kasong pagnanakaw, Simula ng ito ay makulong ay wala ni isang kamag-anak ang dumalaw. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended