11-anyos nasawi sa sunog
December 24, 2002 | 12:00am
Nasawi ang isang 11-anyos na batang lalaki nang makulong sa makapal na usok matapos na masunog ang kanilang bahay, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang banyo ang biktimang si Raymond Roqueta.
Sa paunang ulat ni FO3 Arvin David, arson investigator ng Caloocan Fire Department, dakong alas-11:10 ng umaga nang magsimula ang sunog sa unang palapag ng 3-storey residential building sa 20 Sampaguita St., East Bagong Barrio ng nasabing lungsod na pag-aari ng lola ng nasawi.
Nabatid na mag-isang natutulog ang biktima sa kuwarto ng kanilang bahay nang magsimula ang sunog. Dahil sa mabilis na kumalat ang apoy at makapal na usok ay hindi na nagawa pang makalabas ng biktima.
Kasalukuyan pang inaalam kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang tinupok nito.
Samantala, sa sunog namang naganap sa Sta. Ana, Manila, kahapon ng madaling araw, may 100 pamilya ang iniulat na nawalan ng tahanan.
Nabatid na nagsimula ang sunog dakong alas-3 ng madaling araw sa isang apartment na pag-aari ni Posterio Lapuz na nasa Old Panaderos St., Sta. Ana, Manila.
Tumagal ang sunog ng may 3 oras at hindi pa malaman kung magkanong halaga ng ari-arian ang tinupok nito. (Ulat nina Rose Tamayo at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest