^

Metro

Hindi nagbayad ng P10 na upa hinataw sa batok

-
Nagwakas ang buhay sa halagang P10 ang isang lalaki na umano ay sugapa sa droga matapos na paluin ito ng kahoy na dos-por-dos sa batok ng hindi pa kilalang suspek sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Alvin Pijada, 26, binata ng San Antonio St., ng nasabing lugar matapos maubusan ng dugo sanhi ng walang tigil na pagsusuka.

Lumalabas sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng umaga nang kausapin ng biktima ang suspek para upahan ng halagang P10 ang bahay ng isang alyas July para umano gamitin nila sa kanilang pagpa-pot session kasama ang isang alyas Buboy.

Pagkalipas ng ilang oras na pagsasagawa ng pot session ay naningil na umano ang suspek sa biktima at sa halip na magbigay ng P10 na pinagkasunduang upa sa bahay ay ayaw magbigay nito.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa kumuha ang suspek ng kahoy at walang habas na pinagpapalo sa batok ang biktima habang wala naman sa sarili ang kasama nito dahil sa sobrang bangag.

Halos lugmok na sa sahig ang biktima bago ito tinigilan ng suspek bago nagmamadaling tumakas. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALVIN PIJADA

BUBOY

CRUZ

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

LUMALABAS

MAYNILA

NAGKAROON

NAGWAKAS

NAMATAY

SAN ANTONIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with