Trader na nakapatay ng pulis nadakip
December 22, 2002 | 12:00am
Nasakote ng mga tauhan ng District Police Intelligence Unit-Northern Police District Office (DPIU-NPDO) ang isang negosyante na umanoy 6th most wanted person ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (Camanava) area matapos ang tatlong taon nitong pagtatago sa batas.
Kinilala ni DPIU-NPDO chief, P/Chief Insp. Sotero Ramos, ang suspek na si Vicente Bongcayao, 48, may-asawa, rice dealer at residente ng 134 BMBA Compound, 2nd Avenue, Caloocan City.
Si Bongcayao ay naaresto sa isang operation sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bayani Rivera, Branch 120 ng Caloocan RTC matapos na mapatay nito si SPO4 Rolando Andres noong nakalipas na Hulyo 3,1999 maliban pa sa pagkakasangkot nito sa pagtutulak umano ng ipinagbabawal na gamot at ibat ibang kaso kayat itinuring itong wanted.
Nadakip si Bongcayao ng mga awtoridad sa pinagtataguan nito sa Brgy. San Francisco, Baao, Camarines Sur. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest