GMA nagpamasko sa mahihirap sa QC
December 22, 2002 | 12:00am
Umaabot sa labinlimang bags ng goodies ang ipinamahagi kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa grandstand ng Camp Crame para sa mga mahihirap na pamilya na naninirahan sa paligid ng kampo.
Dumagsa sa loob ng Camp Crame ang mga residente ng may sampung barangay na inasistihan si Pangulong Arroyo nina PNP Chief, P/Director General Hermogenes Ebdane Jr. at Directorate for Police Community Relations, P/Director Ricardo de Leon.
Si Pangulong Arroyo ay nagtungo sa Camp Crame, ilang minuto matapos itong dumalo sa pagdiriwang ng ika-67 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa mensahe ng Pangulo, na ginawa niya ang pamamahagi ng goodies sa mga mahihirap na residente ng Quezon City upang maiambag ang kanyang mga biyaya sa sambayanang Pilipino. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am