^

Metro

P1-M reward sa may-ari ng shabu laboratory

-
Nagpalabas na ang pamahalaan ng P1 milyong reward sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng Chinese na nagmamay-ari sa nadiskubreng shabu laboratory kamakailan sa Valenzuela City.

Inirekomenda ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naturang reward upang agad na madakip ang suspect na si Wang Yashi.

Nakipag-ugnayan na rin ang PDEA sa PNP, NBI at Bureau of Immigration upang agad na madakip si Wang at hindi makatakas palabas ng bansa.

Magugunitang nakatakas si Wang nang masunog ang bodega sanhi upang madiskubre ng mga awtoridad ang naturang laboratoryo noong Disyembre 9 sa may Malinis St., Elvica Compound, Lawang Bato ng naturang lungsod.

Siya rin umano ang may-ari at operator ng isa pang bodega sa Navotas na dito nadiskubreng nakaimbak ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Sa rekord ng pulisya, si Wang ay nadakip na noong Oktubre ng nakalipas na taon matapos mahulihan ng may 100 gramo ng shabu. Ito ay nagpiyansa kaya nakalabas at iyon pala ay patuloy sa kanyang operasyon. (Ulat nina Danilo Garcia at Rose Tamayo)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELVICA COMPOUND

LAWANG BATO

MALINIS ST.

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

WANG YASHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with