Regalo sa death convict: Kalayaan
December 20, 2002 | 12:00am
Magandang regalo ang natanggap ng isang death row convict matapos siyang makalaya kahapon mula sa New Bilibid Prison (NBP) makaraang ipawalang sala ng Korte Suprema dahil sa kasong pagpatay at panggagahasa.
Ayon kay Bureau of Corrections Director Ricardo Macala, ang nakalaya ay si Josephre Tajada, 31, tubong Zamboanga del Norte na mula sa hatol na bitay ay pinawalang sala ng Supreme Court.
Sa rekord ng NBP si Tajada ay inakusahang sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa 13-anyos na si Sabina Ejalon noong 1997.
Dininig ang kaso sa Zamboanga del Norte Regional Trial Court, Branch 11 at nahatulan itong mabitay noong Disyembre 2000.
Awtomatikong naapela ang kaso nito sa Korte Suprema at sa isinagawang pag-aaral sa kaso, walang sapat na ebidensiyang makita na si Tajada ay sangkot sa naturang kaso kung kaya pinawalang sala ito at inutos ang agarang pagpapalaya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended