^

Metro

Magastos na pagligo ni Erap, natuloy na

-
Natuloy na kahapon ang ‘magastos’ na paliligo o healing bath ni dating Pangulong Joseph Estrada sa milagrosong batis sa Bagumbong, Caloocan.

Si Erap ay dumating sa Mother Ignacia Healing Center and Retreat House sa Bagumbong sakay ng itim na Lexus dakong alas-10:30 ng umaga. Suot nito ang paborito niyang jacket na kulay beige at pulang t-shirt kung saan kasama nitong dumating ang kanyang maybahay na si Sen. Loi Estrada, anak na si Jackie, dating Ambassador Ernesto Maceda at ang isang nurse mula sa Veterans Memorial Medical Center.

Bago pinainom at paliguan ng milagrosong tubig ang dating Pangulo bilang ‘healing bath’ ni Sister Gloria Ross na siyang namamahala sa Mother Ignacia ay dumaan muna ito sa tinatawag na 5 stations of the cross.

Natapos ang paliligo ng dating Pangulo dakong alas-2:30 ng hapon kung saan agad siyang ibinalik sa VMMC bago sumapit ang itinakdang deadline sa kanya para makabalik sa pagamutan.

Maituturing na isa na ito sa pinakamagastos na paliligo dahil sa gumugol ang pamahalaan ng may P.5 M kung saan ang malaking bahagi ay napunta sa security preparations.

Tinatayang may 1, 500 mga pulis ang nag-escort at nagbantay dito.

Bukod sa mga motorsiklo at mga sasakyang ginamit sa pag-escort sa dating Pangulo, may mga helicopter pa na nagbabantay sa himpapawid sa pagligo nito.

Ipinasya ng dating Pangulo na maligo sa milagroong tubig matapos umano siyang maghanap ng ibang alternatibo para gumaling ang kanyang sakit sa tuhod lalo na nga’t hindi siya pinagbigyan ng pamahalaan ng magpagamot sa ibang bansa. (Ulat nina Rose Tamayo,Danilo Garcia at Malou Escudero)

AMBASSADOR ERNESTO MACEDA

BAGUMBONG

DANILO GARCIA

LOI ESTRADA

MALOU ESCUDERO

MOTHER IGNACIA

MOTHER IGNACIA HEALING CENTER AND RETREAT HOUSE

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with