Rosebud hindi sumipot sa imbitasyon ng SPD
December 19, 2002 | 12:00am
Nabigong sumipot si Mary Ong, alyas Rosebud sa imbitasyon ng Southern Police District Office (SPDO) para makunan ng pahayag hinggil sa pagkamatay ni Supt. John Campos noong nakalipas na Disyembre 5 sa Parañaque City.
Ito ang nabatid mula sa isang opisyal ng SPDO kasabay nang pagsasabing isa sana si Rosebud sa makakapagbigay-linaw sa kaso ni Campos subalit di naman siya dumalo.
Ayon kay Rosebud, sa NBI na lamang siya magbibigay ng pahayag ngunit hindi naman nagsabi ng malinaw na dahilan kung bakit.
Dapat sana ay kukunan ng pahayag si Mary Ong noong Miyerkules subalit hindi ito nagtungo sa tanggapan ng SPD.
Magugunitang si Ong ay isa sa inaakusahan ng kabigan ni Campos na si Antonio Cabanban na may kinalaman sa pagpaslang sa nasabing opisyal ng pulisya.
Si Campos ay pinaslang sa harap ng isang bulaluhan sa Parañaque City noong nakalipas na Disyembre 5 dakong ala-1:55 ng madaling araw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended