PNP natutuliro sa pagligo ni Erap
December 19, 2002 | 12:00am
Natutuliro na ang pamunuan ng pulisya sa pagbibigay ng seguridad kay dating Pangulong Joseph Estrada sa balak nitong paliligo sa milagrosong batis sa Novaliches.
Sinabi ni Police Security and Protection Office Director, Chief Supt. Prospero Noble na hindi na nila alam kung matutuloy ngayong araw ang ikalawang pagtatangka na maligo si Estrada dahil sa hindi pa nagpapalabas ng kautusan ang Sandiganbayan.
Matatandaan na una sanang maliligo ang dating Pangulo noong nakaraang Lunes ng mabigyan na ng clearance ng korte ngunit si Estrada naman ang siyang umatras.
Sinabi ni Noble na hindi umano nila puwedeng gamitin ang naturang clearance dahil sa ibang petsa ang nakalagay dito na hindi aplikable ngayong araw.
Kinakailangan umanong magsumite ng panibagong mosyon ang kampo ni Estrada at aprubahan ng korte bago magpapadala ng order sa kanila.
Gayunman, sinabi ni Deputy Director for Operations Edgar Aglipay na handa rin umano silang magbigay ng seguridad sa Veterans Memorial Medical Center kung matutuloy ang balak ng kampo ng dating Pangulo na mag-Christmas Party kung ito ay pahihintulutan ng korte. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended