^

Metro

Lalaki nagbantang tatalon sa gusali kundi papalitan ang pangalan ng Malacañang

-
Dahil sa umano’y malas ang pangalan ng Malacañang, isang 33-anyos na lalaki ang umakyat sa ikatlong palapag ng gusali ng Supreme Court at nagbantang tatalon kung hindi papalitan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pangalan ng Palasyo.

Tumagal ng mahigit sa isang oras bago tuluyan napababa ng mga kagawad ng Manila Fire volunteer ang lalaki na hinihinalang nawala sa sarili na si Roberto Jose Marie Julio ng Zamboanga City.

Base sa paunang ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa ikatlong palapag ng gusali ng Supreme Court.

Nabatid na nagawang makapasok ni Julio sa compound ng SC sa pamamagitan nang pagdaan sa fire exit.

Nang makarating sa itaas ay nagbanta itong tatalon kasabay nang pagsasabing dapat umanong baguhin ni Pangulong Arroyo ang tawag na Malacañang dahil sa malas ito.

Nakatawag ng pansin sa maraming tao ang ginawang eksena ni Julio na tumagal ng mahigit sa isang oras.

Ikinatuwiran nito na nag-ugat sa salitang Mala o malas ang Malacañang kaya dapat itong baguhin para tuluyang pumayapa ang bansa.

Pumayapa naman si Julio matapos itong sunggaban ng mga nagrespondeng awtoridad. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

DAHIL

GRACE AMARGO

IKINATUWIRAN

MALACA

MANILA FIRE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROBERTO JOSE MARIE JULIO

SUPREME COURT

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with