^

Metro

Live-in partner tinodas ng Marino

-
Binaril at napatay ng isang seaman ang kanyang ka-live-in matapos ang mainitang pagtatalo sa kanilang tahanan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa Tondo General Hospital ang biktimang si Edna Sebon, 42, ng Area 5, Kawal St., Dagat-dagatan, Caloocan City.

Samantala, nadakip naman ng pulisya ang suspect na si Armando Nillos, 41.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas- 9 ng gabi nang marinig ng mga kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng dalawa. Ilang sandali pa ay narinig ang malakas na putok ng baril.

Mabilis na inalam ng kanilang mga kapitbahay ang pangyayari hanggang sa makita nila na nakahandusay at duguan ang biktima.

Tumakas pa ang suspect subalit agad din siyang natunton ng mga awtoridad. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARMANDO NILLOS

BINARIL

CALOOCAN CITY

DAGAT

EDNA SEBON

ILANG

KAWAL ST.

MABILIS

ROSE TAMAYO

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with