^

Metro

Misis nilooban, pinatay ng kapitbahay

-
Buhay ang naging kapalit matapos na makilala at saksakin ang isang 30-anyos na ginang ng magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nasawi habang ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Evelyn Bernal, ng Block 22, Welfareville Compound ng nasabing siyudad matapos magtamo ng isang malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Bago binawian nang buhay ay nakuha pang ituro ng biktima ang suspect na nakilalang si Joselito Nazareth, alyas Kulit. Nabatid na ang suspect ay kapitbahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Virgilio Reyes, may hawak ng kaso na naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi. Nabatid na kaiidlip pa lamang ng biktima nang maalimpungatan ito sa kaluskos na likha ng suspect na naghahalughog sa kanilang bahay.

Dali-daling bumangon ang ginang at nahuli niya sa akto ang suspect na nakilala pa nga niyang ang kanilang kapitbahay na nagkakalkal sa drawer.

Biglang ginulat ng biktima ang suspect subalit mabilis siya nitong sinaksak at saka tumakas.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito, gayundin ang pagtugis sa suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BIGLANG

EVELYN BERNAL

JOSELITO NAZARETH

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

NABATID

VIRGILIO REYES

WELFAREVILLE COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with