^

Metro

Bangko nabulabog sa pekeng suicide bomber

-
Nabulabog ang isang bangko sa Cubao, Quezon City matapos na ang isang lalaki na pinaniniwalaang may diprensiya sa pag-iisip ang biglang pumasok dito at nagsabing may dala siyang bomba sa katawan at anumang oras ay puwede niyang pasabugin, kahapon ng umaga.

Kaugnay nito, na-hostage niya ng may ilang minuto sa loob ng naturang bangko ang mga empleyado at kliyente na natakot sa banta nitong pagpapasabog.

Gayunman, matapos ang ilang minutong police operation nasukol din ng pulisya ang suspect na nakilalang si Dominador Raymundo, 36, ng #65 Hervacio St., Calumpang, Binangonan Rizal.

Ayon sa pulisya, dakong alas-10:20 ng umaga nang mambulabog ang suspect sa loob ng Allied Bank sa Aurora Boulevard, malapit sa Katipunan Road.

Agad itong nagpahayag na may dala siyang bomba at iniutos na isara ang bangko.

Napiit sa loob ng bangko ang mga empleyado at ilang kostumer.

Dahil sa nataranta at nagkagulo na ang mga tao sa loob ay napindot ng isang empleyado ang security alarm kung kaya’t mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng pulisya.

Nakagawa ng paraan ang ilang pulis na makapasok sa loob ng bangko at masukol ang suspect at saka inilabas.

Bagamat tensiyonado, unti-unting tinanggal ng mga tauhan ng SWAT ang umano’y bomba na nakakabit sa katawan ni Raymundo.

Laking gulat na lamang nila nang makita na pawang styropor ang nasa katawan nito.

Binanggit pa ng pulisya na nakatakdang isailalim sa pagsusuri ang suspect para mabatid kung may diperensiya ito sa pag-iisip. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALLIED BANK

AURORA BOULEVARD

AYON

BAGAMAT

BINANGONAN RIZAL

DOMINADOR RAYMUNDO

DORIS FRANCHE

HERVACIO ST.

KATIPUNAN ROAD

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with