^

Metro

Nabokya sa hinoldap na vendor, nanghipo na lang

-
Pinaghihipuan ang isang sampaguita vendor sa maseselang bahagi ng katawan makaraang mabadtrip sa kanya ang holdaper na nagtangkang mandukot kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Flora Layson, 40, residente ng #60 Camia street ng nabanggit na lungsod.

Arestado naman ng mga kagawad ng Caloocan City Police ang suspect na si Reynaldo Aveline, 23, at residente ng Barrio Pacita street Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng umaga sa kahabaan ng J. Mariano St., Brgy. 95 Caloocan City.

Abala umano ang biktima sa pagtitinda ng sampaguita nang bigla na lamang itong lapitan ng suspek na armado ng patalim.

Ayon sa biktima, pilit na ipinapalabas ng suspect ang kanyang kinita ngunit nang wala itong maibigay na pera ay bigla na lamang itong pinagyayakap ni Aveline.

Hindi pa umano nakuntento ang suspect at pinaghihipuan pa ang maseselang parte ng katawan ng biktima hanggang sa makatawag ito ng pansin sa mga barangay tanod sa naturang lugar at agad na nilapitan ang dalawa.

Tatakbo pa sana si Aveline ngunit kaagad itong naaresto ng mga alertong barangay tanod at agad na dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi naman ng suspect na kaya lamang umano niya nagawang hipuan ang biktima ay dahil sa nagandahan ito sa katawan ng biktima kahit na ito ay may edad na. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ABALA

ARESTADO

AVELINE

BARRIO PACITA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

FLORA LAYSON

MARIANO ST.

REYNALDO AVELINE

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with