^

Metro

Waiter tinusok habang natutulog

-
Isang 26-anyos na waiter ang sinaksak at napatay ng kanyang kasamahan sa trabaho kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Ang biktima na hindi umabot ng buhay sa pagamutan ay nakilalang si James Rayoso, stay-in worker ng Forbest Bar and Grill sa 1824 J. Bocobo St., Malate.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Edgar Hinobiagon, 27, kitchen helper sa nasabing restaurant.

Ayon sa salaysay nina Ariel Sagun at Danilo Albino, kapwa kasamahan sa trabaho ng biktima at suspek, bandang alas-8:30 kahapon ng umaga nang makita nilang duguan ang biktima sa kanilang higaan sa loob ng nasabing restaurant.

Isinugod kaagad ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa Philippine General Hospital at habang naghihingalo ito ay nabanggit si Hinobiagon na sumaksak sa kanya.

Hindi na umabot pa ng buhay ang biktima sa PGH sanhi ng tinamong saksak sa katawan.

Napag-alaman na sinuntok ng biktima ang suspect noong nakaraang Dis. 9 habang nag-iinuman ang mga ito kaya nagtanim ng sama ng loob si Hinobiagon sa biktima kaya ng magkaroon ng pagkakataon ang suspek habang natutulog ay sinaksak niya ito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ARIEL SAGUN

BIKTIMA

BOCOBO ST.

DANILO ALBINO

EDGAR HINOBIAGON

FORBEST BAR AND GRILL

HINOBIAGON

JAMES RAYOSO

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with