^

Metro

Tindahan ng paputok nasunog; P1-M naabo

-
Tinatayang aabot sa P1M ari-arian at mga paputok ang naabo matapos masunog ang isang tindahan kamakalawa sa Valenzuela City.

Sa imbestigasyon ni SFO2 Dionisio dela Cruz Jr., na dakong alas-5 ng hapon nang magsimula ang sunog sa tindahan na pag-aari ni Agustin Reviera, 62, na matatagpuan sa #11 San Miguel, Balubaran ng nasabing lungsod.

Ayon sa ilang residente, nakita na lamang nila na nagliliyab ang unang palapag ng 2 storey building at kasunod ay malalakas na pagsabog na nagmistulang Bagong Taon.

Hinihinala ng mga awtoridad na ang apoy ay nagsimula sa kusina na mabilis kumalat at inabot ang naka-imbak na mga paputok.

Kasunod nito ay pagguho ng nasabing gusali at himalang hindi nadamay ang mga katabing kabahayan.

Sinasabi pa sa ulat, na nakatakda na umanong alisin kinabukasan ang nasabing mga paputok kung kaya’t sama-sama itong itinabi sa imbakan nang maganap ang sunog.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

AGUSTIN REVIERA

AYON

BAGONG TAON

BALUBARAN

CRUZ JR.

DIONISIO

HINIHINALA

ROSE TAMAYO

SAN MIGUEL

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with