^

Metro

Megatren Line 2 raratsada sa Abril

-
Higit na malaki, mabilis at mas panatag sakyan ang bubuksang Megatren Line 2 kumpara sa Light Rail Transit (LRT)at Metro Light Rail Transit (MRT) na nakatakdang magserbisyo sa susunod na taon sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza na ang Megatren Line 2 ay nakatakdang buksan sa Abril 2003 na inaasahang makakabawas kung di man ay maresolba ang malalang daloy ng trapiko kapag ito ay rumatsada na.

Ang 13.8 kilometer mass rail system ay naglalayon mapabilis ang biyahe mula Marcos Highway sa Pasig at Marikina, Aurora Blvd., San Juan, Ramon Magsaysay Blvd., Legarda at Recto.

Sinabi naman ni LRTA Administrator Teddy Cruz Jr., na ang bagong dating na 16 coaches ay unang batch mula sa kabuuang 72 tren na nakatakdang ideliber ng Asia-Europe MRT 2 consortium sa pangunguna ng Marubeni Corp.

Ang nasabing tren ay patatakbuhin ng elektrisidad sa pamamagitan ng teknolohiya ng ‘solid-state propulsion’ at makakayang bumiyahe ng hanggang 30 kilometro bawat oras sa pinakamabilis nitong takbo na higit matulin kaysa LRT1. (Ulat ni Joy Cantos)

ADMINISTRATOR TEDDY CRUZ JR.

AURORA BLVD

JOY CANTOS

LIGHT RAIL TRANSIT

MARCOS HIGHWAY

MARUBENI CORP

MEGATREN LINE

METRO LIGHT RAIL TRANSIT

METRO MANILA

RAMON MAGSAYSAY BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with