^

Metro

Biyudo binoga, patay

-
Walang buhay na bumulagta sa kalye ang isang 36-anyos na lalaki na nakaharang sa daan matapos itong pagbabarilin ng isa sa apat na kalalakihan na sakay ng isang kotse habang ang nakasaksi sa pangyayari ay binaril din nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Agad namatay si Harry Borres, 36, biyudo, fixer sa DFA at residente ng Mactan St., Brgy. Baclaran matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang saksing si Robert Bradecina, 28, binata ng nasabing lugar dahil sa isang tama ng bala sa katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi ay dumaraan ang kotse (PPH-336) na kulay berde ng mga suspek sa nasabing kalye na umano ay makitid.

Nagkataon na naglalakad ang biktima sa nasabing kalye at hinahanap ang kanyang anak.

Pinatatabi umano ng mga suspek ang biktima upang sila ay makaabante subalit hindi umano tumabi ang huli.

Sa galit ng mga suspek ay bumaba ito sa kanilang kotse at kinompronta ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Isa sa apat na suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan ng ilang ulit ang nabiglang biktima.

Nasaksihan naman ni Bradecina ang pagbaril sa biktima at upang wala umanong maging saksi sa krimen ay binaril din ito ng suspek.

Pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga ito sakay ng kanilang kotse. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BACLARAN

BRADECINA

BRGY

DIOS HOSPITAL

HARRY BORRES

ISA

LORDETH BONILLA

MACTAN ST.

ROBERT BRADECINA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with