Pagawaan ng pekeng SMBeer sinalakay
December 15, 2002 | 12:00am
Posibleng nalansag na ng mga awtoridad ang isang sindikato na umanoy namemeke ng San Miguel Beer matapos madakip ang dalawang miyembro nito sa isang raid kahapon sa Navotas.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Justino Cabral, 52, at Gregorio Tecson, 17, kapwa tubong Lagumoy, Camarines Sur at stay-in worker sa pagawaan ng pekeng serbesa na nasa Lot 35, Blk. 28, Phase 2, Dagat-dagatan ng nasabing bayan.
Ayon kay NPDO chief, Sr./Supt. Marcelino Franco Jr., ang pagkakaaresto sa dalawa ay batay sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Benjamin Antonio ng Malabon-Navotas RTC, Branch 170.
Nabatid na ang sindikato ang siyang pangunahing supplier ng beer sa mga beerhouses sa buong CAMANAVA area.
Bandang ala-1 ng hapon nang salakayin ng tropa ng SWAT ng NPDO ang nasabing lugar at nahuli sa akto ang dalawang suspek na isinasalin ang isang uri ng serbesa sa bote ng SMB.
Sinasabing matagal na umanong nag-o-operate ang nasabing sindikato at marami na umanong nalokong mga beerhouses. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended