^

Metro

1 pang shabu laboratory sinalakay

-
Umaabot sa P2.2 bilyong halaga ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation at Navotas Police sa isinagawang raid sa isang bodega kahapon ng madaling araw sa nabanggit na bayan.

Narekober din sa nasabing bodega ang ilang pang mga kemikal na kinabibilangan ng barium sulfate, white powder, 195 crates ng thionyl chloride, caustic soda, acetone na pawang nakasilid sa mga drum at mga sales invoices na nakasulat sa Chinese character.

Pinaniniwalaang galing pa sa bansang China at Taiwan ang mga nasabing kemikal at dito sa bansa ginagawa at ibinebenta.

Ang mga nakumpiskang mga kemikal ay makakagawa na ng daan-daang kilo ng shabu.

Nabatid pa sa report na ang nasabing bodega ang umano’y nagsilbing imbakan ng mga kemikal ng nasunog na shabu laboratory sa Valenzuela City noong Lunes.

Malaki ang paniwala ng pulisya na ang mga dayuhang Intsik ang nagmamay-ari sa laboratoryo sa Valenzuela na sina Lee Yuk Sau at Wang Yashi ay siya ding may-ari sa natuklasang imbakan ng mga kemikal ng shabu sa Navotas.

Nabatid pa na itinago ng mga suspect ang mga kemikal sa pagkukuwaring ang nasabing bodega ay imbakan lamang ng mga asukal, century eggs at picture frames na kinilalang si Deng Xioli.

Sinabi pa ni NPD director Senior Supt. Marcelino Franco na apat pang mga suspect na pawang mga Intsik at isang dayuhang babaeng Taiwanese ang kanilang pinaghahanap.

Samantala, kinumpirma ng pulisya na sumuko na kahapon ang tinutugis na si Lee Yuk Sau, sinasabing may-ari sa nasunog na gusaling napag-alamang laboratoryo ng shabu sa Valenzuela noong Lunes. (Ulat nina Rose Tamayo, Grace dela Cruz at Lilia Tolentino)

DENG XIOLI

INTSIK

KEMIKAL

LEE YUK SAU

LILIA TOLENTINO

MARCELINO FRANCO

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NAVOTAS POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with