2 bebot timbog sa 2 kilo ng shabu
December 13, 2002 | 12:00am
Dalawang babae ang inaresto ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) makaraang mahulihan ang mga ito ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P2 milyon, kamakalawa ng hapon sa Port Area, Manila.
Kinilala ni WPD director Pedro Bulaong ang mga nadakip na suspect na sina Ester Jimenez, 41, tubong Cebu City at Pacita Loon, 47.
Dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa ng dakpin ng mga pulis ang mga suspect habang papasakay na ng barkong Sulpicio Lines sa North Harbor sa Tondo, Manila bitbit ang isang kulay asul na travelling bag na dito nadiskubre ang may dalawang kilo ng shabu.
Nabatid pa sa pulisya na matagal nang sumasailalim sa surveillance ang mga suspect dahil sa impormasyong talamak ang ginagawang pagbebenta ng mga ito ng ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended