^

Metro

Drug addict hinostage ang sariling kapatid

-
Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang isang 24-anyos na hinihinalang bangag sa ipinagbabawal na gamot makaraang i-hostage nito ang nakababata niyang kapatid na tinangka rin nitong patayin sa naganap na hostage drama sa Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Kasabay nito, nailigtas ng mga nagrespondeng elemento ng Marikina City Police ang hinostage na biktima na si Marson Cleofas, 20, ng Bonanza Phase 2, Barangay Parang ng nasabing lungsod.

Nakilala naman ang naarestong kuya na si Marlon na agad na pinosasan matapos makakuha ng tiyempo ang mga arresting team ng pulisya.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling araw sa loob mismo ng tindahan ng biktima.

Napag-alaman na humahangos umanong dumating ang suspect sa tindahan ng biktima na nanlilisik ang mata makaraang tumira ng droga at sinabi sa kapatid na hinahabol umano siya ng demonyo.

Subalit nang lumapit na ito sa kapatid ay sinabi nitong, "Tol bakit pati ikaw ay may sungay din," sabay na sinunggaban ang biktima at agad na tinutukan ng patalim sa leeg.

Binalaan pa nito ang mga kasambahay na huwag lalapit dahil nahuli na niya umano ang ‘demonyo’.

Agad na dumating ang pulisya at napayapa ang suspect matapos ang ilang minutong negosasyon kung saan matapos mahimasmasan ay agad na itong sumuko. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY PARANG

BINALAAN

BONANZA PHASE

JOY CANTOS

KASABAY

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARLON

MARSON CLEOFAS

MISTULANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with