Ito ay kung mapapatunayan ng korte na may sapat na ebidensiya na magdidiin kay Muñoz sa kasong carnapping na isinampa dito ng PNP Traffic Management Group (TMG) sa Quezon City Prosecutors Office kahapon.
Si Muñoz ay inaresto ng Anti-Carnapping agents ng TMG noong nakalipas na Disyembre 4 dakong alas-9:15 ng gabi habang minamaneho ang isang nakaw na Mitsubishi Pajero sa panulukan ng Quezon Avenue at EDSA sa Quezon City.
Kinabukasan ito ay pansamantalang napalaya nang akuin ng aktres na si Nora Aunor na kasama nito sa tele-nobela na "Bituin" ang pangangalaga dito.
Nang mahuli ng mga tauhan ni TMG Chief Supt. Danilo Mangila ang aktor, sinabi nito na legal na nakuha niya ang Pajero mula sa isang kaibigan.
Pawang peke umano ang papel ng naturang sasakyan nang siyasatin naman ng mga awtoridad. Tampered din ang chassis at motor number ng naturang sasakyan.
Naberipika din sa Motor Vehicles Inspection Service na ang Pajero na minamaneho ni Muñoz ay nasa talaan ng mga nakaw na sasakyan.
Ang sasakyan ay nasa pag-iingat ngayon ng TMG.(Ulat ni Angie Dela Cruz)