Patay na nang idating sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Elvis Petraliez, residente ng 51 Doña Juana St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Jerry Putol; Wilson; Jerry at isang Allan Tatalan, kapwa residente ng Catmon, Malabon City.
Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa isang party sa Gulayan, Catmon, Malabon City.
Diumano, kasalukuyang nagsasayaw ang biktima kapareha ang isang dalaga nang maapakan nito ang paa ng isa sa mga suspek.
Hindi naman pinansin ng biktima ang nagawang pagtapak sa paa at nang lumabas ito ng sayawan upang bumili ng kendi ay agad itong pinaikutan ng mga salarin.
Ayon sa ilang nakasaksi, bigla na lamang pinagtulungang saksakin sa katawan at tagain sa leeg ang biktima at nang masiguro ng mga suspek na hindi na mabubuhay pa si Petraliez ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.
Tinangka pang isugod sa pagamutan ang biktima, ngunit sa dami ng tinamo nitong taga at saksak kayat agad din itong namatay. (Ulat ni Rose L. Tamayo)