^

Metro

Obrero binurdahan ng saksak ng mga sintunado

-
Pinatunayan ng isang obrero ang kasabihang ang biro man at duro ay maaaring mauwi sa dugo nang pagsasaksakin ito ng isang grupo ng kalalakihan na kaniyang binuska dahil sa pagkanta ng wala sa tono sa isang videoke kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ciriaco Soriano, 28 anyos at nakatira sa Moriones St., Tondo.

Sa imbestigasyon ng Western Police District (WPD)-homicide section, alas-12:45 ng madaling araw nang abangan ang biktima sa labas ng Paquito’s restaurant sa kanto ng Moriones at Nicolas Sts.

Nagalit umano ang apat na hindi nakilalang lalaki sa biktima dahil habang kumakanta ang mga ito ay pinagtawanan sila ni Soriano dahil sintunado.

Lumabas ng restaurant ang mga suspek at inabangan ang biktima saka ito pinagsasaksak.

Isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio hospital subalit idineklarang dead-on-arrival sanhi ng tinamong malalim na saksak sa tiyan. (Ulat ni Rudy Andal)

CIRIACO SORIANO

GAT ANDRES BONIFACIO

ISINUGOD

KINILALA

LUMABAS

MAYNILA

MORIONES ST.

NICOLAS STS

RUDY ANDAL

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with