^

Metro

Empleyada nanlaban sa holdaper tigok

-
Isang empleyada ang binaril at napatay ng hindi nakilalang kalalakihan matapos manlaban ang una sa huli ng agawin ang kanyang handbag kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Judy Ann Lumabi, 26 anyos, graphic artist at nakatira sa Karangalan Village, Cainta, Rizal.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-11:30 kamakalawa ng gabi kalalabas lamang ng biktima kasama ang dalawang kaibigan sa cyberzone computer cafe at naglalakad sa kanto ng S.H. Loyola at J. dela Rosa Sts., nang biglang huminto sa kanilang harapan ang isang toyota lite-ace na walang plaka.

Dalawang lalaki na armado ng baril ang bumaba at pilit na inaagaw ang handbag ng biktima pero nanlaban si Lumabi kaya binaril ito sa kanyang dibdib at mabilis na tumakas ang mga suspek.

Isinugod ang biktima ng kanyang mga kaibigan sa Mary Chiles Hospital subalit idineklara itong dead-on-arrival. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

CAINTA

DALAWANG

ISANG

ISINUGOD

JUDY ANN LUMABI

KARANGALAN VILLAGE

MARY CHILES HOSPITAL

ROSA STS

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with