^

Metro

P5.2-M pirated VCDs, CDs nakumpiska sa raid

-
Sampung negosyante, siyam dito ang Chinese ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Videogram and Regulatory Board (VRB), Department of Interior and Local Government-Task Force Jericho at Southern Police District matapos ang isinagawang raid sa Baclaran Terminal 2 sa Parañaque City kamakalawa.

Ang mga dinakip ay kinilalang sina Cai Tsong Rong, 22; Jeffrey Lee, 22; Francis Yan, 27; Ming Xiao Yan, 23; Zheng Hua Yua, 21; Hua Zan, 17; Wu Gin Bu, 24; Hin Xing Qi, 50; Tony Tan at Jose Dimaculangan.

Ang mga nabanggit ay sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1987 o pagbebenta ng unlicense vidiogram at non-registry sa VRB.

Nahaharap naman sa kasong direct bribery sina SPO4 Angel Palatao, nakatalaga sa Pasay Police Station at isang Tsinoy na si William Gan na umano’y nagtangkang manuhol sa raiding team leader na si P/Sr. Insp. Marlon Catan.

Nabatid sa report na dakong alas-7:30 ng umaga nang salakayin ng tatlong magkakasanib na grupo ang nasabing terminal matapos na madiskubreng lantaran ang pagbebenta ng pirated Compact Disks at Video CDs sanhi ng pagkakakumpiska ng may 70,000 piraso nito na tinatayang nagkakahalaga ng P5.2 milyon.

Nagtangka umanong suhulan ni Gan si Catan ng P20,000 para sa kalayaan ni Tan habang si SPO4 Palatao ay nagtangkang magbigay ng halagang P190,000 kapalit ng kalayaan nina Francis Yan, Xiao Yan, Yua at Zan.

May inilaan ang piskalya na P10,000 piyansa kada isang suspek para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANGEL PALATAO

BACLARAN TERMINAL

CAI TSONG RONG

COMPACT DISKS

ELLEN FERNANDO

FRANCIS YAN

HIN XING QI

HUA ZAN

JEFFREY LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with