12-anyos pataas for sale sa halagang P200-P500 sa Chinese cemetery
December 9, 2002 | 12:00am
Mula sa presyong P200 hanggang P500 ang sinumang dayuhang mahilig sa murang laman babae man o lalaki ay mabubusog sa loob ng isang pribadong sementeryo sa Caloocan City dahil sa operasyon ng child prostitution sa lugar na ito ng isang untouchable na sindikato.
Ito ang siyang ibinunyag ng 14-anyos na sex worker na itinago sa pangalang Joan makaraang makapanayam ito ng eksklusibo ng PSN kahapon.
Si Joan ang siyang pinakamatanda sa kanilang tatlong magkakapatid na pawang nagtatrabaho bilang child prostitute dahil sa kawalan ng mga magulang na mag-aaruga dito.
Nabatid na ang hayagang operasyon ng prostitution den sa loob ng Chinese Cemetery sa bahaging nasasakop ng Lungsod ng Caloocan ay popular na popular hindi lamang sa mga residente sa paligid nito kundi maging sa mga dayuhan partikular sa mga Japanese at Chinese nationals na kalimitan ng makikita sa loob ng pribadong libingan hindi upang mamasyal kundi upang mamili ng mga kabataan na mula edad 12 pataas ay parang bargain sale na mabibili mula sa handler nito.
Sinabi ni Joan na dahil sa sobrang impluwensya ng sindikatong nagmomonopolya ng child prostitution sa loob ng sementeryo ay hindi ito kailanman nagagawang pasukin ng Northern Police District (NPD).
Binunyag pa ni Joan na kadalasan pa nga ay escorted pa umano ng mga pulis ang mga pedopilya na kukuha ng serbisyo ng child sex worker.
Isang alyas Manang ang siyang umaaktong handler o Mama San ng mga kabataan na ang karamihan ay dito na nakatira habang ang iba naman ay nagpupunta na lamang sa sementeryo mula pa sa kanilang eskwela.
Nabatid na sakaling ang matitipuhan ng mga dayuhang pedopilya ay yaong mga nag-aaral na batang sex worker ay lumulobo ang presyo nito mula P200 ay nagiging P1,000 ito.
Gayunman ay mas pabor pa rin ang mga parukyano sa kabataang out-of-school at lulong na sa bisyo dahil madali itong mapasunod sa kahit na anong kababuyan na naisin ng mga dayuhan.
Samantala, sa panig naman ni Supt. Dionisio Borromeo, hepe ng Station Intelligence Division ng Caloocan City Police ay sinabi nito na matagal na umano nilang tinututukan ang ilegal na gawaing ito pero hindi lamang nila maaktuhan.
Binanggit din ni Borromeo na ang isa pang dahilan kung bakit hindi nila maikategorya bilang mga child prosti ang mga kabataan sa loob ng sementeryo dahil kabilang ito sa maraming pamilya ng squatters sa loob ng sementeryo.
Tinukoy din ni Borromeo na hindi puwedeng basta matyagan na lamang ang mga dayuhang nasa loob ng Chinese Cemetery at akusahan bilang mga pedophile dahil ang lugar na pinasyalan nila ay kabilang sa tourist spot at bahagi ng mga lugar na kanilang pinupuntahan.(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am