Hapones todas sa hired killer, sekyu sugatan
December 7, 2002 | 12:00am
Nasawi ang isang negosyanteng Hapones habang nasugatan ang security guard ng videoke bar matapos na sila ay pagbabarilin ng isang lalaki kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Binawian ng buhay habang nilalapatan sa Makati Medical Center (MMC) ang biktima na nakilalang si Tetsuo Momma, 43, at pansamantalang nakatira sa Room 624, City Land II, Pasong Tamo Extension sanhi ng tama ng bala sa ulo.
Habang nagtamo ng tama sa hita ang guwardiyang si Cesar Tajonera, 40, may-asawa ng Puyat Compound, Brgy. Tambo, Parañaque City.
Mabilis naman na tumakas ang nag-iisang suspek matapos ang ginawang krimen.
Sa imbestigasyon ni SPO4 Leonardo Timtiman, hepe ng Homicide Division ng Makati Police na dakong alas-2 ng madaling araw habang nakaupo ang biktima sa kanyang kulay puting Mitsubishi Pajero (JPN-336) na nakaparada sa harap ng SMAP Videoke Bar na kanyang pag-aari.
Bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.
Narinig at nakita ni Tajonera ang pagbaril sa kanyang amo at nang magtangka itong bumunot ng kanyang baril ay inunahan na siya ng suspek.
May hinala ang pulisya na isang upahang mamamatay tao ang bumaril sa biktima at ang motibo na sinisilip dito ay may kaugnayan sa negosyo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended