Pinsan ni Geneva Cruz nakasagasa ng 5 katao
December 7, 2002 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang limang katao matapos na sila ay masagasaan ng sasakyan na pag-aari ng singer-actress na si Geneva Cruz na minamaneho ng pinsan nito kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries ang sugatang suspek na si Jomar Cruz, 29, dating aktor na nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center kasama ang asawa nitong sugatan din na nakilalang si Aurora.
Ang mga nabundol ni Cruz na ginagamot din sa nabanggit pagamutan ay nakilalang sina Gerardo Vallere ng San Juan; Ryan Villamayor, 32; ng Maynila; Aldos Robles, 29; ng Pasay City; Mary Jane dela Cruz, 19; ng Valenzuela City at Reginald Malama, 21; na ginagamot sa Ospital ng Makati.
Sa ulat ng Makati Traffic Management Enforcement Unit, ang insidente ay naganap ala-1:15 ng madaling araw habang minamaneho ni Cruz kasama ang asawa nito ang kulay puting Ford Lynx Ghia (HVN-476) at binabaybay ang kahabaan ng Gil Puyat Ave., Makati City.
Nabatid na nagtatalo umano ang mag-asawang Cruz sa loob ng sasakyan na naging dahilan umano para mawalan ito ng kontrol sa manibela at nabundol sa isang bangketa ng Gil Puyat Ave., Brgy. Bel-Air si Malama.
Nabigla sa pangyayari si Cruz at dahil sa ayaw umano nitong panagutan ang pagkabundol kay Malama ay tumakas ito subalit sa kanyang pagmamadali ay nabangga nito ang isang Honda Civic na kinalululanan ng iba pang mga bikitma.
Hindi na nagawang tumakas nina Cruz at asawa nito dahil sila rin ay kapwa nasugatan sa aksidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended