^

Metro

Napagkamalang 'aswang' makinista napatay

-
Nasawi ang isang makinista matapos itong paulit-ulit na saksakin ng kanyang kapitbahay na napagkamalan niyang "aswang" nang umakyat ito sa bubong ng kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Tatlong malalalim na saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Mario Desiderio, 54, nakatira sa University Ave., Brgy. Potrero, ng nabanggit na lungsod.

Mabilis namang nakatakas ang suspect na si Nilo Butista, 39, kapitbahay ng biktima dala-dala ang mahabang patalim na ginamit sa pamamaslang.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Nabatid na kasalukuyang nagpapahinga si Desiderio sa loob ng kanilang bahay nang magulantang ito dahil sa mga yabag mula sa bubungan ng kanyang bahay.

Dahil sa napapabalitang mayroong "aswang" na gumagala sa kanilang lugar, lumabas ng bahay ang biktima para itaboy ang inaakala niyang aswang.

Subalit tumambad sa kanya ang mukha ng suspect na siya palang gumagapang sa bubong ng kanyang bahay kaya sa pagkagulat ng biktima ay binulyawan ito at pinabababa.

Hindi batid ng biktima na armado pala ng mahabang patalim ang suspect at pagbaba nito mula sa bubong ng bahay ay agad siyang inundayan ng tatlong magkakasunod na saksak sa katawan na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BAHAY

BRGY

DAHIL

DESIDERIO

MALABON CITY

MARIO DESIDERIO

NILO BUTISTA

ROSE TAMAYO

UNIVERSITY AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with