^

Metro

Airports sa bansa may bomb threat

-
Pinaigting at hinigpitan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang seguridad sa airport matapos makatanggap ang mga awtoridad ng bomb threat.

Ayon kay Gen. Mike Hinlo, assistant general manager, nakatanggap sila ng intelligence report na maaaring magsagawa ng sunud-sunod na pambobomba ang grupong Jamaah Islamiyah sa mga paliparan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa pamamagitan ng kotseng may lamang bomba.

Sinabi pa ni Hinlo na sasamantalahin ng terror group ang pagdagsa ng mga turista at balikbayan sa Ninoy Aquino International Airport lalo na ngayong Kapaskuhan.

"Sa ngayon, 100 porsiyento ang screening na isinasagawa sa lahat ng bagahe ng mga umaalis at dumarating na pasahero sa NAIA. Total frisking din ang ginagawa sa mga pasahero upang mapigil ang mga ito kung sakaling mayroon silang dalang bomba o incendiary device," dagdag pa ni Hinlo.

Nagtalaga na rin ang MIAA ng checkpoint sa mga dumaraang sasakyan patungong airport bilang bahagi ng seguridad.

Nagtalaga ang PNP K-9 Unit ng karagdagang bomb sniffing dogs sa mga sensitibong lugar sa NAIA. (Ulat ni Butch Quejada)

AYON

BUTCH QUEJADA

HINLO

JAMAAH ISLAMIYAH

KAPASKUHAN

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MIKE HINLO

NAGTALAGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with