Sa isang press conference, sinabi ni Cora Fabros, miyembro ng Board of Directors ng Peoples Task Force For Bases Clean Up na 36 na residente ng Subic Bay Naval Base at Clark Air Field ang nagsampa ng habla sa US Federal District Court na humihiling sa imbestigasyon ng presensya ng toxic waste sa dating base militar ng Amerika sa bansa.
Ayon kay Fabros, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Pilipinas ay magsasampa ng kaso laban sa Estados Unidos.
Ani Fabros sa isinampa nilang kaso ay maoobliga na ang puwersa militar ng US na magsagawa ng assessment sa Clark at Subic.
Aniya, hindi pera ang habol ng mga biktima sa isinagawa nilang pagsasampa ng kaso kundi ang pananagot ng US sa mga naging biktima nito. (Ulat ni Angie dela Cruz)