^

Metro

Dalaga ginawang sex-slave ni kuya

-
Hindi na nakatiis kung kaya’t nagawa na ring isumbong sa pulisya ng isang 27-anyos na dalaga ang ginawang panggagahasa sa kanya ng kanyang kuya sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakakulong ang suspect na si Reynaldo Magat Jr. ng nasabing lungsod matapos itong ireklamo ng panggagahasa ng sariling kapatid na itinago sa pangalang Gemma.

Nabatid na noong 17-anyos pa lamang ang biktima ay madalas umano itong abusuhin ng suspect habang sila lamang ang tao sa kanilang bahay.

Hindi umano agad nakapagsumbong ang biktima dahil sa tinatakot siya ng suspect na kapag nalaman ito ng kanilang magulang ay malamang na ipakulong ito (suspect) at mawawalan siya ng kapatid.

Dahil sa pagiging bata ay natakot ito sa banta ng kapatid kung kaya hindi niya sinabi sa kanilang mga magulang ang kanyang sinapit sa kuya.

Nahinto naman ang pang-aabuso sa kanya ng kapatid subalit kamakalawa ng gabi ay umatake na naman ang pagiging manyakis ng suspect kung saan habang natutulog ang biktima ay puwersahang pinaglalamas at pinaghahawakan ang maseselang parte ng kanyang katawan kaya’t inireklamo na niya ito sa pulisya. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

DAHIL

KASALUKUYANG

NABATID

NAHINTO

REYNALDO MAGAT JR.

ROSE TAMAYO

SUSPECT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with