NAPOLCOM hiling alisin sa pamamamahala ng DILG
December 4, 2002 | 12:00am
Upang higit na magkaroon ng ngipin at mapatino ang mga pulis, iminungkahi ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman at Executive Officer, Commissioner Rogelio Pureza na alisin na sa pamamahala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang naturang ahensiya at isailalim na lamang sa tanggapan ng Pangulo.
Sa proposed bill na isinumite ni Pureza sa Kongreso, iminungkahi nito na ibilang sa Gabinete at isailalim sa Office of the President ang NAPOLCOM.
Dapat umanong alisin na sa tanggapan ng DILG para maging independent ang NAPOLCOM upang sa gayon ang konsentrasyon nito ay matuon sa pagpapaigi at pagpapatino sa Pambansang Pulisya na ito naman ang pangunahing layunin kaya itinatag ang ahensiya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended