^

Metro

Falcon bus sinimulan nang ini-impound ng LTO

-
Isa-isa ng iniimpound ng Land Transportation Office (LTO) ang mga bus ng Falcon Bus Line na naaksidente kamakailan na ikinasawi ng 33 katao.

Kaugnay nito, inirekomenda ni LTO Chief Roberto Lastimoso kay Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Dante Lantin na suspindihin ang franchise ng Falcon Bus Line dahil sa paglabag ng kumpanya sa franchise.

Ito ay nang malaman ng LTO na out-of-line o wala sa franchise ng Falcon bus nang magtungo sa Maynila dahil Bicol region lamang ang ruta nito.

Samantala, inutos naman ni Lastimoso kay Atty. Percival Cendana, chief LTO-Law Enforcement Division na bumuo ng team para imbestigahan pa ang insidente.

Layunin ng hakbang na higit na mapangalagaan ang kapakanan ng riding public mula sa mga public utility vehicle operators na hindi sumusunod sa kanilang franchise.

Sa report ni Cendana kay Lastimoso, mahigit 500 out-of-line at colorum vehicles ang nakumpiska ng LTO nitong nakaraang buwan ng Oktubre 2002. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

BICOL

CHAIRMAN DANTE LANTIN

CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

FALCON BUS LINE

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LASTIMOSO

LAW ENFORCEMENT DIVISION

PERCIVAL CENDANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with