Ginang binaril ng mister
December 2, 2002 | 12:00am
Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang ginang makaraang barilin ito ng kanyang mister na umanoy napikon nang umuwi ang una na lasing buhat sa isang pakikipag-inuman kamakalawa ng gabi sa Taguig.
Nakilala ang biktima na ginagamot sa Ospital ng Makati na si Gemma Chuca, ng 44 Kakawati St., Barangay Western Bicutan dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Agad namang nadakip ang namaril na mister na si Alfredo, 24, ilang oras makaraan ang insidente.
Nabatid sa ulat na dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa nang lasing na umuwi si Gemma buhat sa isang inuman kasama ang mga barkada nito.
Galit na sinita ni Alfredo ang asawa na ikinagalit din nito hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.
Dahil sa labis na pagkapikon sa kanyang misis ay kinuha ni Alfredo ang kaniyang baril at pinaputukan ang asawa.
Duguang bumulagta si Gemma at sa labis na kalituhan at takot sa pangyayari ay tumakas si Alfredo habang mabilis namang naisugod sa pagamutan ng mga dumalong kapitbahay ang biktima.
Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated parricide. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended