Habambuhay sa lolo na namugot ng manugang
December 1, 2002 | 12:00am
Nakaligtas sa parusang kamatayan ang isang 87 anyos na lolo na namugot ng ulo ng kanyang manugang walong taon na ang nakakaraan matapos na ibaba ng Korte Suprema ang hatol dito.
Base sa 15 pahinang desisyon ng Supreme Court (SC) 2nd division nauna nang ibinaba ng Cataingan, Masbate Regional Trial Court (RTC) branch 49 ang hatol mula sa parusng kamatayan hanggang habambuhay na pagkabilanggo kay Pedro Mondijar.
Dahil sa 79 anyos pa lamang si Mondijar ng gawin ang pagpugot ng ulo ng kanyang manugang na si Pamfilo Aplacador noong Pebrero 24, 1994 dakong alas-6 ng gabi sa kanilang lugar.
Nakasaad sa Art. 47 ng Revised Penal Code na hindi kailangang ipatupad ang parusang kamatayan kapag ang akusado ay 18 anyos pababa at 70 anyos pataas.
Samantala mula sa kasong murder ay ibinaba ito ng mataas na hukuman sa kasong homicide dahilan sa hindi naman napatunayan ng prosecution na planado ang ginawang pagpaslang ng akusado sa kanyang manugang.
Bukod dito hindi rin umano napatunayan ng presecution ang qualifying circumstances kabilang dito ang treachery, abuse of superior strength at evident premeditation kung kayat mula sa kasong murder ay ibinaba ito sa kasong homicide.
Hindi rin naipakita ng mga nakasaksi sa krimen kung paano ang ginawang pagpugot sa ulo ng biktima at kung paano ito itinapon ng akusado ilang metro ang layo mula sa katawan ng biktima.
Kung kayat mula habambuhay na pagkabilanggo ay ibinaba pa ito ng Mataas na hukuman sa reclusion temporal o ang pagkakabilanggo ng 6 hanggang 12 taon. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended