Sanggol pinapak ng mga daga
December 1, 2002 | 12:00am
Isang bangkay ng tinatayang 8-buwang gulang na sanggol na babae ang natagpuang pinapapak ng mga daga sa loob ng isang imburnal kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Dakong alas-3:30 ng hapon nang makita ang bangkay ng nasabing sanggol sa isang imburnal sa kahabaan ng Mac Arthur High-way, BBB, Marulas ng nasabing lungsod.
Napansin ng mga batang naglalaro na may pinagpipistahan ang mga malalaking daga sa nabanggit na imburnal kayat pinagbabato nila ito.
Laking gulat ng mga ito nang makitang isang bangkay ng sanggol ang nilalamon ng mga daga kayat agad na tumawag ang mga ito ng barangay tanod upang ipaalam ang natuklasan.
Ang nasabing sanggol na hindi pa nakikilala ay tadtad ng kagat ng mga daga sa ibat ibang parte ng katawan nang makuha ng mga tanod.
Ayon sa pulisya, posible umanong itinapon ang kawawang sanggol sa ibang lugar at maaaring inagos lamang ito ng tubig kanal kayat napunta sa nabanggit na imburnal.
May palagay din ang mga imbestigador na may dalawang araw ng nakababad ang katawan ng sanggol sa tubig kanal dahil halos natutuklap na ang balat nito bukod pa sa mga tinamong kagat sa daga.
Kasalukuyang nasa Valenzuela Funeral Homes ang halos naaagnas ng bangkay ng sanggol at hindi pa rin alam ng pulisya kung kukunin pa ito ng mga magulang nito. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended