^

Metro

Sekyu todas sa magnanakaw

-
Isang security guard ng Video City ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang pinaghihinalaang miyembro ng robbery syndicate matapos na mabuko ng una ang tangkang panloloob ng huli sa nasabing establisimiyento kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Nodados Hospital ang biktimang si Benico Sibugon, 35, may-asawa, empleyado ng Chancellor Security Services and Corporation at naninirahan sa Phase 8, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Nabigo naman ang pulisya sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa ulat, ganap na alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap mismo ng nasabing establisimiyento.

Bigla na lamang lumutang ang suspek at pinagbabaril ang walang kamalay-malay na biktima bago ito tumakas. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BENICO SIBUGON

BIGLA

CALOOCAN CITY

CHANCELLOR SECURITY SERVICES AND CORPORATION

ISANG

NABIGO

NODADOS HOSPITAL

ROSE L

VIDEO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with