Lalaki nahati ang katawan sa tren

Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 49-anyos na lalaki matapos na ito ay masagasaan at mapisak ng rumaragasang tren kahapon ng umaga sa Paco, Manila.

Ang nasawi ay nakilalang si Rodolfo Ruiz, driver, residente ng Kaminaman St., ng nasabing lugar.

Nabatid sa ulat ng WPD-Homicide Division, dakong alas-7 ng umaga ay naglalakad umano na wala sa sarili ang biktima sa crossing ng Osmeña at San Andres St.

Hindi nito nakita o narinig umano ang pagdating ng tren habang siya ay tumatawid kaya’t ito ay nahagip at nasagasaan. (Ulat ni Grace dela Cruz)

Show comments