Ang pagpapalaya umano kay Bautista ng kanyang mga abductors ay dahil sa nagalit umano ang mga ito sa kanilang mastermind na hindi tumupad sa pinagkasunduang kabayaran sa ginawa nilang pagdukot at gagawing pagpatay sana sa biktima.
Ayon kay Supt. Dionicio Borromeo, hepe ng Station Intelligence Division ng Caloocan Police Station na nagalit umano ang mga abductor ni Bautista dahil imbes na P50,000 ang matatanggap nila sa kanilang gagawing pagpatay sa biktima ay P10,000 lamang umano ang ibinigay ng mastermind sa kanila.
Dahil sa lumiliit na ang mundong ginagalawan ng mga abductor sa pagpupursige ng mga awtoridad na iligtas ang biktima gayundin dahil sa binabagabag umano sila ng konsensiya kayat nagpasya na lamang silang pakawalan ito.
Si Bautista ay hindi naman sinaktan ng mga abductor at iniwan sa isang liblib na lugar sa Pulilan, Bulacan dakong alas-7 ng umaga.
Magugunita na si Bautista ay dinukot ng apat na armadong kalalakihan noong nakalipas na Martes dakong alas-12:30 ng madaling araw habang sakay ng kanyang Mitsubishi Adventure sa may Bagumbong, Caloocan North, Caloocan City. (Ulat ni Rose Tamayo)