^

Metro

Kinidnap na 'anak' ng trader pinalaya na

-
Pinalaya na kahapon ng kanyang mga abductors ang kidnap victim na si Danny Bautista, 34-anyos, anak ng may-ari ng Selecta Feeds matapos ang tatlong araw na pagkabihag.

Ang pagpapalaya umano kay Bautista ng kanyang mga abductors ay dahil sa nagalit umano ang mga ito sa kanilang mastermind na hindi tumupad sa pinagkasunduang kabayaran sa ginawa nilang pagdukot at gagawing pagpatay sana sa biktima.

Ayon kay Supt. Dionicio Borromeo, hepe ng Station Intelligence Division ng Caloocan Police Station na nagalit umano ang mga abductor ni Bautista dahil imbes na P50,000 ang matatanggap nila sa kanilang gagawing pagpatay sa biktima ay P10,000 lamang umano ang ibinigay ng mastermind sa kanila.

Dahil sa lumiliit na ang mundong ginagalawan ng mga abductor sa pagpupursige ng mga awtoridad na iligtas ang biktima gayundin dahil sa binabagabag umano sila ng konsensiya kaya’t nagpasya na lamang silang pakawalan ito.

Si Bautista ay hindi naman sinaktan ng mga abductor at iniwan sa isang liblib na lugar sa Pulilan, Bulacan dakong alas-7 ng umaga.

Magugunita na si Bautista ay dinukot ng apat na armadong kalalakihan noong nakalipas na Martes dakong alas-12:30 ng madaling araw habang sakay ng kanyang Mitsubishi Adventure sa may Bagumbong, Caloocan North, Caloocan City. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BAUTISTA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN NORTH

CALOOCAN POLICE STATION

DANNY BAUTISTA

DIONICIO BORROMEO

MITSUBISHI ADVENTURE

ROSE TAMAYO

SELECTA FEEDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with