^

Metro

3 dinakip sa pagdukot sa anak ng trader sa Caloocan

-
Hawak na ng pulisya ang tatlong pangunahing suspect na pinaniniwalaang sangkot sa pagdukot sa anak ng may-ari ng Selecta Feeds, kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ni Supt. Dionisio Borromeo, hepe ng Station Intelligence and Investigation Division ng Caloocan City police ang mga dinakip na sina Felix Avila Jr., ang dating supervisor sa nasabing kompanya na sinasabing utak sa isinagawang pagdukot; Romero Gonzales, foreman sa Selecta Feeds at ang driver na si Jay dela Cruz.

Ang tatlo na nakatakdang isailalim sa polygraph test ay posibleng may kinalaman sa pagdukot sa biktimang si Danny Bautista.

Paghihiganti pa rin na may kinalaman sa personal na away hinggil sa posisyon sa kompanya ang tinitingnan ng pulisya na pangunahing motibo sa pagdukot kay Bautista.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagalit umano ang mga suspect kay Bautista dahil sa sinosolo umano nito ang mga dumarating na komisyon sa mga transaksyon sa kompanya.

Personal na away o labanan sa delihensiya ang mas may malaking kinalaman sa kaso dahil na rin umano sa lahat ng supplies ay dumaraan kay Bautista kaya ang dating mga komisyon na dating napupunta sa supervisor ay nawala na.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikita ang biktima. walang pa rin tawag na tinatanggap ang pamilya nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BAUTISTA

CALOOCAN CITY

CRUZ

DANNY BAUTISTA

DIONISIO BORROMEO

FELIX AVILA JR.

ROMERO GONZALES

ROSE TAMAYO

SELECTA FEEDS

STATION INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with