^

Metro

Pulis binaril ng aarestuhin, patay

-
Isang pulis ang iniulat na nasawi, samantalang sugatan naman ang kasamahan niyang lady cop, makaraang barilin sila ng isang mag-ama na kanila sanang aarestuhin, kamakalawa sa Muntinlupa City.

Hindi na nakarating ng buhay makaraang isugod sa Ospital ng Muntinlupa ang biktima na si SPO1 Noe Montiel sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang ginagamot naman sa nabanggit ding pagamutan si PO2 Mary Jane Navarro, kapwa nakatalaga sa Muntinlupa City Police.

Mabilis namang nakatakas ang mag-amang suspect na sina Leo Lagumin, 56, at anak nitong si Bong, 25, ng Emmanuel Italia St., B.F Resort, Las Piñas City.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Erasto Sanchez, hepe ng Muntinlupa City police na ang insidente ay naganap dakong alas-5 ng hapon kamakalawa sa gusali ng Vivera Suites, na nasa panulukan ng Asean Drive at Insular Avenue, Filinvest Drive, Barangay Alabang, Muntinlupa.

Nabatid na nakatakdang arestuhin nina SPO1 Montiel at PO2 Navarro ang mag-amang Lagumin dahil umano sa kasong carnapping subalit imbes na sumuko ay biglang bumunot ng baril ang mga ito at saka pinaputukan ang mga biktima.

Dahil sa labis na pagkabigla ay hindi na nagawa pang makaganti ng putok ng baril ng mga pulis.

Isang sibilyan pa na nakilalang si Ethel Bartolome ang sinasabing tinamaan din ng ligaw na bala at nasugatan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso, gayundin ang pagtugis sa mag-amang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY ALABANG

EMMANUEL ITALIA ST.

ERASTO SANCHEZ

ETHEL BARTOLOME

F RESORT

INSULAR AVENUE

ISANG

LAS PI

LEO LAGUMIN

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with