^

Metro

Anak ng trader dinukot sa Caloocan

-
Dinukot ng apat na armadong kalalakihan ang anak na lalaki ng may-ari ng Selecta Feeds, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Danny Bautista, na tumatayong supervisor sa nasabing kompanya ng ama nitong si Don Mauro Arce.

Ayon kay Supt. Dionisio Borromeo, chief ng Station Investigation Intelligence Division ng Caloocan City Police na ang biktima ay dinukot ng hindi pa nakikilalang mga suspect dakong alas-12:30 ng madaling araw habang ito ay sakay ng kanyang Mitsubishi Adventure na may plakang WDZ 932 na bumabagtas sa Susano Road, Brgy. 170, Bagumbong ng nabanggit na lungsod kasama ang helper na si Jomel Esperga.

Si Esperga na nagtamo rin ng sugat sa ulo makaraang pukpukin ng baril ng mga suspect ay nagsabing agad silang pinababa ng mga suspect sa sasakyan matapos harangin ng isang L-300 van.

Iniwan ng mga suspect ang helper at ang dinala lamang ay si Bautista.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na hindi kaso ng kidnap- for-ransom ang nangyari kundi malamang na awayan sa puwesto sa kompanya at maaaring paghihiganti ang motibo ng pangingidnap sa biktima kung saan isa umano sa pangunahing utak ay ang dating supervisor ng nasabing kompanya.

Nabatid na nakakatanggap na ng death threat ang biktima bago pa man ito dukutin. Noon umanong kalagitnaan ng Oktubre ay tumanggap ito ng pagbabanta sa buhay na nakapaloob sa isang bala ng armalite at may nakasulat ng ganito: "Ikaw ang balakid sa aking mga pinagkakakitaan sa kompanya".

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pang hinihinging ransom ang mga suspect, samantalang bumuo naman ng operative ang Caloocan police para hanapin ang pinagdalhan sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DANNY BAUTISTA

DIONISIO BORROMEO

DON MAURO ARCE

JOMEL ESPERGA

MITSUBISHI ADVENTURE

ROSE TAMAYO

SELECTA FEEDS

SI ESPERGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with