^

Metro

3 cellphone snatcher na nang-hostage sa mag-iina, sumuko

-
Dahil sa takot na mapatay ng Special Weapon and Tactics (SWAT) Pasay City Police at matulad kay Diomedes Talvo, hostage-taker ng 4-anyos ay sumuko ang isa sa tatlong hinihinalang cellphone snatcher makaraang i-hostage ng mga ito ang tatlong mag-ina sa loob ng isa’t kalahating oras kahapon ng hapon sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Liza Fortes, barangay kagawad at ang dalawang anak na dalagang sina Twinkle, 21 at Patricia, 18, pawang residente ng Sandejas St., Senator Gil Puyat Avenue, Pasay City.

Samantala, kinilala ang suspek na agad ding ikinu-long na si Allan Ignacio, 30, residente ng Villaruel St., ng lungsod na ito.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-3 kahapon ng hapon sa loob ng bahay ng mga biktima na ilang metro lamang ang layo sa Police Community Precint (PCP) 2, Senator Gil Puyat Ave.

Nauna rito ay hinahabol ng mga tanod ang tatlong holdaper-snatcher kabilang si Ignacio at sa takot na mahuli ay pumasok sa bahay ng mag-iinang biktima at tinutukan ng patalim at hinostage.

Kaagad namang natimbrihan ang Pasay City Police at kaagad rumisponde ang mga kagawad ng SWAT at nakipagnegosasyon sa loob ng isa’t kalahating oras.

Sa takot ni Ignacio na matulad sa hostage-taker na si Talvo, kaagad itong sumuko sa mga pulis habang ang dalawang kasamahan nito na hindi pa batid ang mga pangalan ay mabilis na nagsitakas.

Matatandaan na noong Mayo 31 ng taong ito, naging kontrobersiyal ang Pasay City Police, dahil sa kapalpakan ng mga ito makaraang mapatay ang biktimang si Balala at suspek na si Talvo na naganap sa Philtranco Terminal, Edsa Avenue, ng lungsod na ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLAN IGNACIO

DIOMEDES TALVO

EDSA AVENUE

IGNACIO

LIZA FORTES

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PHILTRANCO TERMINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with